Malamang ay dala lamang ito ng aking antok dahil sa nagdaang gabi na hindi mapakali sa aking higaan..
Magiika- siyam ng gabi ng aking itigil ang ginagawa kong paper cuts para sa school bulletin. Sinubukan ko nang matulog ng maaga sa pagbabakasakli na makakatulog agad ako, subalit hidi ako dalawin ng antok, una ay hindi ko pa natatapos ang mga gawain ko.. pangalawa ay ang nakatakda naming pag alala sa ika-labing isang taon ng pagkakatatag ng aming simbahan sa Pili..pakiramdam ko ay bumabalik na sa akin ang dating ako na laging nagmamadali at hindi natitigil ang isip..
Bumangon ako sa aking higaan..binuksan ang telebisyon at nanuod ng sumandali subalit hindi ko maintindihan ang pinanunuod ko..(english kasi..)
Kumuha ako ng lapis at naghanap ng malinis na papel at nagsimulang ikilos ang aking kamay ng malaya..walang direksiyon, hinayaan lamang ang kamay kung anu ang magagawa nito..wala namang malinaw na pigura na nabuo..hindi ko rin maintindihan..
Walang pakiramadam, walang buhay, walang kulay, walang sinasabi, walang patutunguhan ang mga linya na ginawa ng aking kamay. Naihalintulad ko bigla ito sa aking sarili…”ito na nga ba ako ngayon?..”tanong na tanging ako lamang ang may alam ng sagot..
Kumuha ako ng pangkulay at sinubukang kulayan ang mga hugis sa pagitan ng mga linya..Nagkaroon ng kaunting buhay, damdamin at waring may nais sabihin sa akin..(hala raot na garu payo ko?!!para mga linya tinatawanan na nin kahulugan!!)..
At habang ipinagpapatuloy ko ang aking ginagawa ay unti- unti ay may nabuong imahe na ito at may sinasabi na siya sa akin..(akin na lang yun..di ko rin ipapakita ang ginawa ko..
Bumalik ako sa ako aking higaan at nagmuni- muni sa mga naganap nitong mga nakaraang araw.
Sa limipas na dalawang buwan ng aking pagtuturo, marami na rin palang pagbabagong naganap sa buhay ko. Maliban sa kaunting pagbabago sa pisikal na kaanyuan ay may nagbago sa aking pananaw at ugali..yan ay ayon sa aking pananaw..hehehehe..Ma’am Feb, may nagbago nga ba?.Sa mga unang araw ko sa pagtuturo ay kinaharap ko ang takot na baka hindi ko maabot ang pamantayan ng mga lehitimong guro. Naging hamon ito sa akin upang magsumikap, nanghiram, kung di man ay pinahiram ako ng mga aklat na may kaugnayan sa pagtuturo…(salamat madam pres sa books..nakatulong ito ng malaki)..nag- aral ng sarili, tinuruan ang sarili at pinag sama- sama ang karanasan sa VCS at Sunday School..dahil dito ay kahit papaano ay nadagdagan ang lakas ng loob upang magpatuloy…
Ang unag araw ko sa pagtutro ay hindi ko alam ang gagawin ko, kinausap ang sarili, pinilit maging kalmado..sa gabay ng Diyos ay nagawa ko ng matagumpay ang unang araw ko bilang isang guro at sana ay magpatuloy..at habang dumadaan ang mga araw, dahan- dahan ay natutunan ko na ang dapat gawin, mula sa simpleng pagsusulit, lesson plans, class record, at maging class management..malaki ang naitulong ng karanasan ko sa CYF..
Meron din namang di magandang pangyayari…subalit hindi ito naging hadlang upang ako ay panghinaan ng loob..minsan ay pinatawag ako ng aming punong guro tatlong beses sa loob ng isang araw.. Tinanong ako kung ano ang mga panuntunan ko sa pagtututro..marami kasi ang bumagsak sa ibingay kong pagsusulit..masyado daw mataas ang pamantayan ko sa pagtuturo..kinailangan ko ngang magpaliwanag..nairaos ko naman ang maghapon na iyon na mabigat ang mga balikat..
Nalalapit na naman ang mga pagsusulit..aba!! siyempre ginalingan ko na ang paggawa ng mga test papers..VERY GOOD!! Sambit ni Ma’am Principal..di happy ang life ni Hansel..improving!!
Nararamdaman ko nga na unti- unti ay nag aadjust na ako sa work..mas malakas na ang loob na humarap sa klase..Mas mataas na ang tiwala sa sarili, mas masaya na nga ba ako ngayun?..Di man makuha ang lahat ng nais, subalit alam ko na ito ay magandang simula at nawa ay magpatuloy..
Nang bigla ay may nakita akong di kanais- nais na bagay at ako’y napabalikwas sa aking higaan..nakatulog na pala ako..
Sa mga nagtataka at magtataka…BUWAN ng WIKA ngayun..hahahaha!!
Alam ko ang nasa isip mo..ok man ang life ko ngayon..LIFE lang muna..saka na natin lagyan ng Prefix (Panlapi)..Kuntento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon..sapat na sa akin ang tawaging daddy ng mga mahal kong estudyante..
Dito ko ito natutunan,,PSALMS 131..kitams nagbabasa na ulit ako ng Bible..talagang IMPROVING!!
No comments:
Post a Comment